Friday, August 10, 2012

Caution with Clichés (Kung iisipin mong muli, parang may kaunting mali.)


Here are 14 separate wall posts of mine that I gathered together.  They are those that resist or refute some of our popular proverbs and convictions.  Medyo sabaw ito pero sana, magustuhan rin ninyo.  Take your time in trying to absorb each one (again, these were originally singular posts), perhaps skip those that you don't find interesting, or deal with the rest at another time upon encountering discomfort and/or boredom. =)

1.
Ang lumakad nang matulin,
kung matinik ay malalim.


Totoo.  Ngunit hindi ibig sabihing kapahamakan at pagsisisihan ang kanyang pagkakatinik; lalo na’t kung ang tulin niya ay dulot ng marubdob na pag-ibig.  =)

2.
What I don't like about "If at first you don't succeed, try and try again" is the possible interpretation that one ought to stick to his first strategy until it works. The constant focus is the End (success), not the Initial Step (first). A creative flexible person can proceed with so many ways to attain success or his one goal; he can afford to give up on a strategy because he has so much more up his sleeve. And thus:

If at first you don't succeed, surrender! There are so many ways to skin a cat. =))

3.

"ANG HINDI LUMINGON SA PINANGGALINGAN, 'DI MAKARARATING SA PAROROONAN." becomes problematic when its promoters fail to see that this proverb assumes the presence of a clear vision (paroroonan). Yes, one cannot reach his goal without adherence to this proverb. But this proverb should not even be brought up without a deep desire for or a good grasp of the goal.

Otherwise, it's just stunting conservatism... in the guise of wise advice.

4.
I am not a big fan of the slogan "Slowly but surely.", especially when people focus more on the word SLOWLY than on SURELY. SLOWLY is just one of the many ways to SURELY, which is still not an end in itself; it just marks the beginning of deeper conviction, passion and commitment for a pursuit. People want to get to SURELY to eventually get rid of SLOWLY, because people who are SURE find "slowly" quite painful.

5.
Hindi, pare. Kahit lagi mo nang sinasabi, masyado pa ring premature at passive 'yang pagdadahilan mong, "It takes Time."

Bago mo sana ginamit 'yan, pinaniwalaan mo munang, "It takes Me."

6.
I don’t totally agree with “Time is gold.”  And it’s dangerous to believe so because we could become slaves of Time, slaves who are so set in not wasting it.  I’d rather perceive Time as a Treasure Chest, then it will be YOU who would have to decide what gold and treasures you will put in it. 

Thus I can afford to not prioritize time, the way I could afford to waste time with my kids.

7.
Hindi HUMBLE ‘yung hindi umiimik. Mas HUMBLE ‘yung nagsasalita at itinataya ang sarili sa posibleng Kapalpakan at Kahihiyan, sa pagbabaka-sakaling MAKAAMBAG ang sasabihin niya. Those who don’t speak up are too focused on Self-Preservation and Benefiting from Others.

Kaya para sa mga hihiya-hiya kuno at tatahi-tahimik: TUMAHIMIK KAYO! ANG DAMUT-DAMOT at ANG YABANG-YABANG N’YO! =))

8.
Daig ng MAAGAP ang MASIPAG.

Ang tanong: Masipag ka bang maging maagap? Baka mamaya, pasumpung-sumpong lang ang pagiging maagap mo. Baka nagmamaagap ka lang kapag maginhawa para sa 'yo. Kung gayon, puwedeng tsamba lang ang pagdaig mo sa masipag.

Sa huli: Daig ng MASIPAG MAGING MAAGAP ang Masipag o Maagap. =))

9.
"Don't fix it if it's not broken" daw.

But if your "not-broken" is weak, mediocre, outdated, and has not maximized its full potential --
tsk, tsk, tsk -- tsong naman, ayusin mo pa rin!

Alam mo kasi, an'laki-laki ng agwat at angat sa "not-broken"
ng tinatawag nating "Excellent"! =)

10.
Don’t judge a book by its cover.”  This is a message for the supposed Judge. 

But here’s a message for the supposed Book:
“Sometimes, a book is judged by its cover because readers find out that the only thing it has invested on is its cover, not its content.

There's just really nothing else to evaluate.” =)) 
  
11.
Aanhin mo pa ang damo
kung patay na ang kabayo?

Uhmm.. Kung wala kang mahagilap na sagot sa retorikong tanong na ito, hindi nangangahulugang wala na ngang iba pang saysay 'yung Damo.

Nasanay ka lang sigurong ituring 'yung Kabayo bilang nag-iisang mahalaga rito sa mundo. =)

12.
"It takes two to tango."

Excuse me. Who said I'm doing Tango? I'm doing my own Dance of Joy!
Solo, may kapartner, grupo..., ayos na ayos ako!

13.
Only by the end of a journey will a True Leader be able to say that he has LED others. During the journey, his true main preoccupation was to SERVE.

14.
Sino nga ba ang mas MALAYA?

'Yung taong ginagawa niya ang gusto niya, o
'yung taong hindi ginagawa ang kahit gusto niya?

Para sa akin, 'yung pangalawa.

Dahil siya: hindi kayang tumbahin ng tukso,
at hindi tuta ng kanyang mga sumpong.
Hindi siya basta papanig sa kanyang mga hilig,
at hindi siya alipin ng kanyang mga pagkiling.
     

Sunday, April 8, 2012

You'll thank me for posting this info...

After great public demand, here it is: the RolePlayers website: http://www.roleplayers.org.ph/contact-roleplayers.php.  Please visit and LIKE it.

Also, please LIKE https://www.facebook.com/theaterforlife and be regularly updated on this state-of-the-art, effective-and-efficient and tried-and-tested training company, which has handled and is currently handling all sorts of groups, companies, and institutions, for all their improvement needs.

On a personal note, my dear friends, please do LIKE the website and the facebook site, especially if you're at-the-least curious and interested or even if you're not YET. It is truly something I would wish for those I care for to have more knowledge of and easier access to.





RoBoCap-tor's Captives

This collection is an effort to gather definitive moments between me and my students from since I started teaching in Ateneo High, SY 1994-95.

Disclaimer:
Everything in this list actually happened (some even more than once). It should be noted, however, that

* I usually handle upperclassmen (seniors and juniors),

* most of these moments happened later into the school year, when my students and I are already quite familiar with each other,

* these moments were lifted in isolation (there's a before and an after to each of these moments that are cheerful in nature),

* these moments involved those students that were "makulit" and "mahirit", and those that really tested the teacher's patience and alertness,

* I loved and will always love my students (including the ones in these moments, nonetheless).



1.
ESTUDYANTE: Ser! Wrong spelling, wrong?

ROBOCAP: Ang puting ngipin ba, puti? Ang pulang lobo ba, pula? Ang seven dwarves ba, seven? Wrong spelling ba, wrong? Sa susunod, ang dapat mong itanong, "Ser! Wrong spelling ba, tatanggapin n'yo?". Dahil kahit sino'ng tanungin mo, ang wrong spelling ay wrong!



2.
ROBOCAP: Ang sagot ay "D. Tama ang lahat ng sagot".

ESTUDYANTE: Ser, puwede bang sagot ang "B"?

ROBOCAP: Puwede.

ESTUDYANTE: Yehey! (magdiriwang nang maingay)

ROBOCAP: Puwede rin ang "A"; puwede rin ang "C". Kaya nga "D" ang sagot! Maupo ka.



3.
ROBOCAP: Ang sagot sa bilang 42 ay "B".

ESTUDYANTE: Ser, puwede po bang "C"?

ROBOCAP: Bakit?

ESTUDYANTE: Aaaa… (matagal).

ROBOCAP: Puwede bang maupo ka't umisip muna ng ikakatwiran para sa sagot mo?



4.
ESTUDYANTE: Ser, bakit hindi "A" ang sagot?

ROBOCAP: Puwede bang sabihin mo muna kung bakit oo?



5.
ESTUDYANTE: Ser, am'pogi n'yo talaga.

ROBOCAP: Kahit hindi mo sabihin.



6.
ESTUDYANTE: Ser, puwede bang ubusin ko muna itong pagkain ko kahit bell na.

ROBOCAP: May pagkain din akong hindi ko naubos. Kailangan ko na kasing pumunta rito dahil bell na.

ESTUDYANTE: Ser, itatapon ko ba ito? Masama ang magsayang, 'di ba?

ROBOCAP: Oo nga. Kaya bakit ka bumili ng pagkain kahit wala ka namang panahon para kumain? Sayang lang. Masama ang magsayang, 'di ba?



7.
ESTUDYANTE: Ser, hindi namin maintindihan ang mga isinulat niyo sa pisara.

(Ipinatong ko kasi ang mga isinulat ko sa mga notes sa blackboard ng naunang klase nila.)

ROBOCAP: Kaya sa susunod, burahin n'yo ang notes ng nakaraang klase. Kasi AKO, hindi ko naman talaga kailangan ng malinis na pisara; KAYO ang may kailangan ng malinis ang pisara!



8.
ROBOCAP: Magandang umaga sa inyong lahat.

KLASE (hindi lahat): Magandang umaga po, Ginoong Capinding.

ROBOCAP: Maraming hindi bumati sa akin. Puwes, hindi ko kayo babatiin uli para lang makabati ang mga hindi bumati. Mensahe para sa mga hindi bumati: Kapag ako naging sikat o naging dakila o naging bayani o naging santo sa hinaharap, manghihinayang din kayong may mga pinalampas kayong pagkakataong batiin ako!



9.
ROBOCAP: Maglabas ng size 4.

KLASE: Huh? Ha! Ano?

ROBOCAP (bored): O siya. Maglabas pa rin ng papel. Lagi namang iyon din ang karugtong ng mga "Huh?-Ha!-Ano?" niyo, e.



10.
ESTUDYANTE: Ser, kamukha mo si Jet Pangan! (Tatawa ang buong klase.)

ROBOCAP: Buti ka pa. Walang kamukha mong puwedeng maging artista.



11.
ROBOCAP: Bakit ka nagsasalita habang nagsasalita ako?

ESTUDYANTE: Ser, tinatanong ko lang sa kanya kung ano ang tayutay?

ROBOCAP: Hindi ko tinatanong kung bakit ka nagsasalita. Tinatanong ko kung bakit ka nagsasalita HABANG NAGSASALITA AKO!

ESTUDYANTE: Sori po, ser.



12.
ROBOCAP: Ano ba?!! Am'boring niyong estudyante!



13.
ESTUDYANTE: Ser, puwede bang hindi ako magpasa ng assignment ngayon?

ROBOCAP: Puwede rin bang pagalitan kita nang todo-todo ngayon?



14.
ROBOCAP: Pag'bilang ko ng tatlo, tumawa tayo nang maikli pero malakas na malakas. Isa, dalawa, tatlo!

KLASE: (Tatawa nang maikli pero malakas.)

(Magigising ang natutulog na si BOY-TULOG.)

BOY-TULOG: Huh! Bakit? Pare, bakit?

ROBOCAP: Huwag n'yong sasabihin sa kanya kung bakit kayo tumawa. Ikaw, Boy-Tulog, huwag ka na ring magtanong. Talagang gano'n. Noong nagpasya kang matulog, isinuko mo na ring makinabang sa lahat ng aliw at araling makukuha mo sa sesyong ito.



15.
ROBOCAP: Puwede ba, kaibigan, huwag kang matulog. An'daya mo kasi, e. Inaantok din ako ngayon, akala mo.



16.
ESTUDYANTE: Ser, puwede bang magbanyo?

ROBOCAP: May LBM ka, ano?

ESTUDYANTE: Wala po. Bakit, ser?

ROBOCAP: Kasi 'yun lang ang dahilan kung bakit kailangan mong magbanyo ngayon kahit nagbabanyo ka na sa bawat 5-minute break niyo.



17.
KLASE: Ser, sssshhh. Huwag na kayong magsalita, please. Hindi kami maka-concentrate sa sulatin namin.

ROBOCAP: Now you know how it feels.



18.
ESTUDYANTE: (malakas) Ser, wala akong bolpen!

ROBOCAP: Talaga? Grabe, an'laki ng problema KO!



19.
ESTUDYANTE: Ser, puwede bang lumipat ng upuan?

ROBOCAP: Puwede. Bakante ang bench sa labas.



20.
ESTUDYANTE: Ser, puwede bang umabsent sa Tuesday?

ROBOCAP: Lahat naman: puwede. Pero hindi lahat: dapat.




(At marami pang iba. Abangan ang mga susunod.)

Kailangan Nating Maghiwalay

I originally posted this piece as blog post in my multiply site (robocap73.multiply.com - same time in 2008). Being a teacher, I have to regularly deal with separations from people I have learned to care for. This is a product of my need to understand the value of and benefit in separations.


Kailangan nating maghiwalay
upang malaman natin kalaunan
kung mayroon nga tayong pinagsamahan,

kung buo pa rin tayong dalawa kahit wala na 'yung isa,

kung mabibitbit ba natin ang pinagsaluhan nating mga sarap kahit tapos na ang salu-salo,

kung magaling nga tayong magtanim ng mga halamang hindi habambuhay na aasa sa hardinero,

at kung maisasakatuparan ba natin
at mapalalaganap nang libong doble pa
ang mga sarili at pangarap na
magkasabay nating hinubog.

"Hindi ang isa't isa ang tinitingnan ng mga nagmamahalan,
kundi ang kanilang iisang hantungan." (Kahlil Gibran)

Sa mundong bilog,
maghihiwalay tayo,
palayo sa isa't isa,
at magsisikap umabot sa pinakamalayo nating maaabot.


At dahil bilog nga ang mundo,
magkakasalubong muli tayo kung hindi tayo titigil sa pag-usad.

At dahil marami na tayong pinagdaanan sa pagkakataong ito,
mas mayaman na ang mga babaunin nating mapagsasaluhan.

At dahil hindi natin binitawan ang tamis ng dating ugnayan,
parang pag-uwi ang muli nating pagkikita,

magbabatian tayo sa lumang paraang nakagawian,

magkakamayan dahil sa kani-kaniyang naging kapalaran,

magkukumustahan upang makahabol sa mga bagay na 'di na natin nasubaybayan,

at saka tayo mahigpit na mahigpit,
tigib ng pangungulila at pag-ibig
at parang kahapon lamang,

na magyayakapan.

Hanggang sa muli...
Hiwalayan lang ito, hindi paalaman,

at kay tamis ng pangako ng hiwalayan! 


Which lucky university?

I used to be a (High School) fourth/graduating year class moderator.  And I know that there really is a season when my dear seniors are anxious about their college admissions.  Unfortunately, I will not have a chance to give this "ponderable" to a senior class this year because I'm teaching and advising third year classes (which is an equally wonderful year level).  Thus, let me share my thoughts through this post.  



I just want to tell my dear seniors: "Relax".  You always think that success in life depends on the college where you will get admitted to.  Well, for those who did not take their High School seriously, this is understandable.  They probably want to have a fresh start and they are imagining themselves doing better only in a particular college.

But for those who have been earnest and fastidious, their only anxiety is for getting accepted, and it shouldn't matter what school. 
Bakit lagi ninyong iniisip na suwerte ang isang tao dahil sa napasukan niyang paaralan?  Panahon na yatang makita rin ninyo, lalo na kung mabubuti't mahuhusay kayong estudyante,  na suwerte ang paaralang papasukan ninyo. 
Kapag may grouping sa klase, may mga natutuwang mapabilang ka sa grupo nila; magaling ka kasi at responsable, at mapapabuti mo ang grupo anuman ang mangyari.  Medyo ganoon din sa pagpasok sa college.  Isipin mo na lang na mas malaki ang anxiety ng mga colleges ngayon.  Idinadasal nilang magkaroon ng mga mahuhusay na mag-e-enroll sa kanila.
Ang tanong: Isa ka ba sa pinapangarap na estudyante ng mga kolehiyong ito?
Gustung-gusto mo ang mga kolehiyo't unibersidad na kilala't sikat ang mga kuwento ng tagumpay.  Ngunit dapat mo ring malamang ang bar topnotcher noong 2008 ay nagmula sa San Sebastian College, noong 2006 naman ay nagmula sa University of the Cordilleras, noong 1998 ay nagmula sa Baguio Colleges Foundation, at may nanggaling din sa Divine World College of Tagbilaran.
Kung iisipin at sa totoo lang, ang liwanag ng anumang paaralan ay dulot lamang talaga ng pagniningning ng mga mag-aaral nito.  
  
So stop worrying about which college will accept you.  And start telling yourself:  I have so much to give and contribute.  Which college or university will greatly benefit from this talent and generosity I am intending to offer?

God bless you, seniors.  We are proud of you.  And we are confident in letting you go to whatever college you will eventually decide to embrace. =))

(And this post also goes out to my other friends waiting for admission results, whether it be to a company, an institution, a department, etc. You often don't need to be accepted in it for you to be great; you could very well be the greatness-bearer it has long been waiting for.)

Hoy, magsaya ka! Tiyakin mo. Christmas, e.

I'm a bit bothered by some posts of people I truly care about.

The season is far from over. Make sure your Christmas is happy. At Merry Christmas sa lahat!

Dani and Zak, Christmas 2008

They are those that say that they don't think they'll be happy this season.

Ano ba? Are you just waiting for happiness to fall on your lap? Happiness is a pursuit, an objective people strive for. Gumawa ka ng paraan; there are countless ways. They need not cost anything nor take so much time. You need not solve your problems nor heal your wounds and heartaches; focus on the happy experiences, remember the things you are grateful for, and/or plan to do things that will make you or others happy. Sobrang dami nu'n.

Magdi-December pa lang, sinabi ko na sa sarili kong gagawin kong masaya ang Paskong parating. At ginagawa ko ang lahat para magtagumpay ako. Hanggang ngayon. There were many setbacks: I got sick; my funds were not as much as I expected they would be; I missed several things, etc.

But what the heck, I knew I had to make myself beaming with pride when people express their gratitude to me; I knew I had to find ways to allow me to greet people "Merry Christmas" in a way that I am overflowing with merriment myself. MY HAPPINESS IS MY BUSINESS. I knew I had to be happy this season no matter what it would take, and in spite of obstacles. At nangyayari naman. Hindi mahirap. Sa katunayan, masarap!
Lagi kong sinasabi sa mga estudyante ko: "Kapag pumunta ka sa party at hindi ka sumaya, kasalanan mo." Kahit nga 'yung "It takes two to tango.", hindi ko na masyadong pinaniniwalaan. Dahil hindi naman laging "Ballroom" ang Buhay. Minsan "videoke-singing", "breakdancing" o "krumping" din ito. Madalas, solo o ikaw lang talaga ang kailangan para may mangyari.

So please be happy this season. I am not only wishing you; I am requesting you to be so. Matanda ka na. Huwag ka nang magsabit ng mga medyas na baka wala namang maglagay ng laman. Ikaw na ang maglagay ng laman sa medyas ng iba, kahit ng sa iilan lang. 'Yun naman talaga ang nakakapa-"Ho-ho-ho!" ngayong Pasko.

Huwag Mong Sayangin ang Buhay Mo!

Lagi kong sinasabi, "Kapag hindi ka naubos, kulang!" at "Dapat laging parang wala nang bukas!".

At noong bata-bata pa ako, tinatanong ako, "Ron, bakit ba para kang nagmamadali parati?"; sinasagot ko ng, "Kasi, pakiramdam ko, mamamatay na ako."

Hindi naman ako masyadong takot mamatay. Ang natatakot ako, mamatay dahil nasagasaan ako ng bisikleta, o nadulas ako dahil sa balat ng saging at nabagok ang ulo ko, o nagsesepilyo ako at natusok ko ang ngala-ngala ko't nabutas ito't umagos ang dugo ko hanggang masaid ako't mamatay.

Gusto ko, parang si Bro. Richie Fernando 'pag namatay, o si Evelio Javier, o si Jose Rizal, o si Mother Teresa.

'Yun bang ubus na ubos, laspag na laspag, parang "The Giving Tree" na hanggang sa huling himaymay, may naidulot na pakinabang sa iba.

Sa iba.

Kung tutuusin, wala naman talagang silbi sa sarili ng taong nagdurusa ang pagdurusa niya. Wala rin talagang tuwirang silbi sa sarili ng taong namamatay ang kamatayan niya. 'Yung iba, kinukonswelo na lang ang sarili nila sa pagsabing, "Itong pagdurusang ito, magdudulot sa akin ng ginhawa kalaunan." Hindi 'yun pagdurusa, kung gayon; pag-akyat lang 'yun. Ang tinutukoy kong pagdurusa ay 'yung basta pagdurusa lang tulad ng sakit ng ngipin o rayuma o panghihina ng katawan na kakambal na halos ng pagtanda.

Gayundin ang kamatayan: "Itong kamatayang ito, magdudulot sa akin ng ... ummm..." , wala akong maisip. Walang silbi sa sarili natin ang kamatayan, tulad ng pagdurusa.

Pero nariyan nang parang sumpa sa atin ang Kamatayan at Pagdurusa; hindi matatakasan o maiiwasan. Tanggapin na lang natin kahit walang silbi sa sarili natin.

O maaari namang magkasilbi, pero hindi sa sarili natin. Sa iba.

Sa huli, nagkakaroon lang ng silbi at katuturan ang Pagdurusa at Kamatayan kung sasadyain mong imaneho para umukol sa iba.

Praktikal, kung gayon, ang magdusa at mamatay para sa iba. Dahil dito lamang nagkakaroon ng halaga ang pagdurusa at kamatayan. Sa usaping Kamatayan at Pagdurusa, mas talo ka kung iisipin mo lang ang sarili mo. Nagsasayang ka; hindi ka praktikal.

Sana bago ka mamatay, naubos mo na ang buhay mo sa makatuturang bagay, sa mga bagay na hindi mo kasabay mamamatay.

Planuhin mo na ang buhay mo para magkaroon ng saysay ang lahat ng dusa mo't kamatayan, dahil totoong laging siguradong may dusa at kamatayan. Ang tanong: May silbi ba ang sa 'yo o wala?

Kung wala, naku! 'Yun na nga ang katatakutang pagdurusa. 'Yun ang katatakutang kamatayan.

Narito ang isang dasal na binuo ko matapos kong maisip ito:

Mahal kong Panginoon,
Natatakot akong mamatay bago ako mamatay sa aking buhay.
Natatakot akong maubos bago ako maubos sa aking buhay.
Natatakot akong masimot bago ako masimot sa aking buhay.

Ngunit kung mangyayari nga ang aking kinatatakutan.
Itulot Mong ang aking pagkasimot, pagkaubos at kamatayan
Ay magdulot ng silbing di-masisimot-mauubos-o-mamamatay…

na mamamagitan para sa Iyo.
na dadakila sa Iyo.
na (kahit bahagya lamang ay maging) tulad ng sa Iyo.

Siya nawa.