Sunday, April 8, 2012

You'll thank me for posting this info...

After great public demand, here it is: the RolePlayers website: http://www.roleplayers.org.ph/contact-roleplayers.php.  Please visit and LIKE it.

Also, please LIKE https://www.facebook.com/theaterforlife and be regularly updated on this state-of-the-art, effective-and-efficient and tried-and-tested training company, which has handled and is currently handling all sorts of groups, companies, and institutions, for all their improvement needs.

On a personal note, my dear friends, please do LIKE the website and the facebook site, especially if you're at-the-least curious and interested or even if you're not YET. It is truly something I would wish for those I care for to have more knowledge of and easier access to.





RoBoCap-tor's Captives

This collection is an effort to gather definitive moments between me and my students from since I started teaching in Ateneo High, SY 1994-95.

Disclaimer:
Everything in this list actually happened (some even more than once). It should be noted, however, that

* I usually handle upperclassmen (seniors and juniors),

* most of these moments happened later into the school year, when my students and I are already quite familiar with each other,

* these moments were lifted in isolation (there's a before and an after to each of these moments that are cheerful in nature),

* these moments involved those students that were "makulit" and "mahirit", and those that really tested the teacher's patience and alertness,

* I loved and will always love my students (including the ones in these moments, nonetheless).



1.
ESTUDYANTE: Ser! Wrong spelling, wrong?

ROBOCAP: Ang puting ngipin ba, puti? Ang pulang lobo ba, pula? Ang seven dwarves ba, seven? Wrong spelling ba, wrong? Sa susunod, ang dapat mong itanong, "Ser! Wrong spelling ba, tatanggapin n'yo?". Dahil kahit sino'ng tanungin mo, ang wrong spelling ay wrong!



2.
ROBOCAP: Ang sagot ay "D. Tama ang lahat ng sagot".

ESTUDYANTE: Ser, puwede bang sagot ang "B"?

ROBOCAP: Puwede.

ESTUDYANTE: Yehey! (magdiriwang nang maingay)

ROBOCAP: Puwede rin ang "A"; puwede rin ang "C". Kaya nga "D" ang sagot! Maupo ka.



3.
ROBOCAP: Ang sagot sa bilang 42 ay "B".

ESTUDYANTE: Ser, puwede po bang "C"?

ROBOCAP: Bakit?

ESTUDYANTE: Aaaa… (matagal).

ROBOCAP: Puwede bang maupo ka't umisip muna ng ikakatwiran para sa sagot mo?



4.
ESTUDYANTE: Ser, bakit hindi "A" ang sagot?

ROBOCAP: Puwede bang sabihin mo muna kung bakit oo?



5.
ESTUDYANTE: Ser, am'pogi n'yo talaga.

ROBOCAP: Kahit hindi mo sabihin.



6.
ESTUDYANTE: Ser, puwede bang ubusin ko muna itong pagkain ko kahit bell na.

ROBOCAP: May pagkain din akong hindi ko naubos. Kailangan ko na kasing pumunta rito dahil bell na.

ESTUDYANTE: Ser, itatapon ko ba ito? Masama ang magsayang, 'di ba?

ROBOCAP: Oo nga. Kaya bakit ka bumili ng pagkain kahit wala ka namang panahon para kumain? Sayang lang. Masama ang magsayang, 'di ba?



7.
ESTUDYANTE: Ser, hindi namin maintindihan ang mga isinulat niyo sa pisara.

(Ipinatong ko kasi ang mga isinulat ko sa mga notes sa blackboard ng naunang klase nila.)

ROBOCAP: Kaya sa susunod, burahin n'yo ang notes ng nakaraang klase. Kasi AKO, hindi ko naman talaga kailangan ng malinis na pisara; KAYO ang may kailangan ng malinis ang pisara!



8.
ROBOCAP: Magandang umaga sa inyong lahat.

KLASE (hindi lahat): Magandang umaga po, Ginoong Capinding.

ROBOCAP: Maraming hindi bumati sa akin. Puwes, hindi ko kayo babatiin uli para lang makabati ang mga hindi bumati. Mensahe para sa mga hindi bumati: Kapag ako naging sikat o naging dakila o naging bayani o naging santo sa hinaharap, manghihinayang din kayong may mga pinalampas kayong pagkakataong batiin ako!



9.
ROBOCAP: Maglabas ng size 4.

KLASE: Huh? Ha! Ano?

ROBOCAP (bored): O siya. Maglabas pa rin ng papel. Lagi namang iyon din ang karugtong ng mga "Huh?-Ha!-Ano?" niyo, e.



10.
ESTUDYANTE: Ser, kamukha mo si Jet Pangan! (Tatawa ang buong klase.)

ROBOCAP: Buti ka pa. Walang kamukha mong puwedeng maging artista.



11.
ROBOCAP: Bakit ka nagsasalita habang nagsasalita ako?

ESTUDYANTE: Ser, tinatanong ko lang sa kanya kung ano ang tayutay?

ROBOCAP: Hindi ko tinatanong kung bakit ka nagsasalita. Tinatanong ko kung bakit ka nagsasalita HABANG NAGSASALITA AKO!

ESTUDYANTE: Sori po, ser.



12.
ROBOCAP: Ano ba?!! Am'boring niyong estudyante!



13.
ESTUDYANTE: Ser, puwede bang hindi ako magpasa ng assignment ngayon?

ROBOCAP: Puwede rin bang pagalitan kita nang todo-todo ngayon?



14.
ROBOCAP: Pag'bilang ko ng tatlo, tumawa tayo nang maikli pero malakas na malakas. Isa, dalawa, tatlo!

KLASE: (Tatawa nang maikli pero malakas.)

(Magigising ang natutulog na si BOY-TULOG.)

BOY-TULOG: Huh! Bakit? Pare, bakit?

ROBOCAP: Huwag n'yong sasabihin sa kanya kung bakit kayo tumawa. Ikaw, Boy-Tulog, huwag ka na ring magtanong. Talagang gano'n. Noong nagpasya kang matulog, isinuko mo na ring makinabang sa lahat ng aliw at araling makukuha mo sa sesyong ito.



15.
ROBOCAP: Puwede ba, kaibigan, huwag kang matulog. An'daya mo kasi, e. Inaantok din ako ngayon, akala mo.



16.
ESTUDYANTE: Ser, puwede bang magbanyo?

ROBOCAP: May LBM ka, ano?

ESTUDYANTE: Wala po. Bakit, ser?

ROBOCAP: Kasi 'yun lang ang dahilan kung bakit kailangan mong magbanyo ngayon kahit nagbabanyo ka na sa bawat 5-minute break niyo.



17.
KLASE: Ser, sssshhh. Huwag na kayong magsalita, please. Hindi kami maka-concentrate sa sulatin namin.

ROBOCAP: Now you know how it feels.



18.
ESTUDYANTE: (malakas) Ser, wala akong bolpen!

ROBOCAP: Talaga? Grabe, an'laki ng problema KO!



19.
ESTUDYANTE: Ser, puwede bang lumipat ng upuan?

ROBOCAP: Puwede. Bakante ang bench sa labas.



20.
ESTUDYANTE: Ser, puwede bang umabsent sa Tuesday?

ROBOCAP: Lahat naman: puwede. Pero hindi lahat: dapat.




(At marami pang iba. Abangan ang mga susunod.)

Kailangan Nating Maghiwalay

I originally posted this piece as blog post in my multiply site (robocap73.multiply.com - same time in 2008). Being a teacher, I have to regularly deal with separations from people I have learned to care for. This is a product of my need to understand the value of and benefit in separations.


Kailangan nating maghiwalay
upang malaman natin kalaunan
kung mayroon nga tayong pinagsamahan,

kung buo pa rin tayong dalawa kahit wala na 'yung isa,

kung mabibitbit ba natin ang pinagsaluhan nating mga sarap kahit tapos na ang salu-salo,

kung magaling nga tayong magtanim ng mga halamang hindi habambuhay na aasa sa hardinero,

at kung maisasakatuparan ba natin
at mapalalaganap nang libong doble pa
ang mga sarili at pangarap na
magkasabay nating hinubog.

"Hindi ang isa't isa ang tinitingnan ng mga nagmamahalan,
kundi ang kanilang iisang hantungan." (Kahlil Gibran)

Sa mundong bilog,
maghihiwalay tayo,
palayo sa isa't isa,
at magsisikap umabot sa pinakamalayo nating maaabot.


At dahil bilog nga ang mundo,
magkakasalubong muli tayo kung hindi tayo titigil sa pag-usad.

At dahil marami na tayong pinagdaanan sa pagkakataong ito,
mas mayaman na ang mga babaunin nating mapagsasaluhan.

At dahil hindi natin binitawan ang tamis ng dating ugnayan,
parang pag-uwi ang muli nating pagkikita,

magbabatian tayo sa lumang paraang nakagawian,

magkakamayan dahil sa kani-kaniyang naging kapalaran,

magkukumustahan upang makahabol sa mga bagay na 'di na natin nasubaybayan,

at saka tayo mahigpit na mahigpit,
tigib ng pangungulila at pag-ibig
at parang kahapon lamang,

na magyayakapan.

Hanggang sa muli...
Hiwalayan lang ito, hindi paalaman,

at kay tamis ng pangako ng hiwalayan! 


Which lucky university?

I used to be a (High School) fourth/graduating year class moderator.  And I know that there really is a season when my dear seniors are anxious about their college admissions.  Unfortunately, I will not have a chance to give this "ponderable" to a senior class this year because I'm teaching and advising third year classes (which is an equally wonderful year level).  Thus, let me share my thoughts through this post.  



I just want to tell my dear seniors: "Relax".  You always think that success in life depends on the college where you will get admitted to.  Well, for those who did not take their High School seriously, this is understandable.  They probably want to have a fresh start and they are imagining themselves doing better only in a particular college.

But for those who have been earnest and fastidious, their only anxiety is for getting accepted, and it shouldn't matter what school. 
Bakit lagi ninyong iniisip na suwerte ang isang tao dahil sa napasukan niyang paaralan?  Panahon na yatang makita rin ninyo, lalo na kung mabubuti't mahuhusay kayong estudyante,  na suwerte ang paaralang papasukan ninyo. 
Kapag may grouping sa klase, may mga natutuwang mapabilang ka sa grupo nila; magaling ka kasi at responsable, at mapapabuti mo ang grupo anuman ang mangyari.  Medyo ganoon din sa pagpasok sa college.  Isipin mo na lang na mas malaki ang anxiety ng mga colleges ngayon.  Idinadasal nilang magkaroon ng mga mahuhusay na mag-e-enroll sa kanila.
Ang tanong: Isa ka ba sa pinapangarap na estudyante ng mga kolehiyong ito?
Gustung-gusto mo ang mga kolehiyo't unibersidad na kilala't sikat ang mga kuwento ng tagumpay.  Ngunit dapat mo ring malamang ang bar topnotcher noong 2008 ay nagmula sa San Sebastian College, noong 2006 naman ay nagmula sa University of the Cordilleras, noong 1998 ay nagmula sa Baguio Colleges Foundation, at may nanggaling din sa Divine World College of Tagbilaran.
Kung iisipin at sa totoo lang, ang liwanag ng anumang paaralan ay dulot lamang talaga ng pagniningning ng mga mag-aaral nito.  
  
So stop worrying about which college will accept you.  And start telling yourself:  I have so much to give and contribute.  Which college or university will greatly benefit from this talent and generosity I am intending to offer?

God bless you, seniors.  We are proud of you.  And we are confident in letting you go to whatever college you will eventually decide to embrace. =))

(And this post also goes out to my other friends waiting for admission results, whether it be to a company, an institution, a department, etc. You often don't need to be accepted in it for you to be great; you could very well be the greatness-bearer it has long been waiting for.)

Hoy, magsaya ka! Tiyakin mo. Christmas, e.

I'm a bit bothered by some posts of people I truly care about.

The season is far from over. Make sure your Christmas is happy. At Merry Christmas sa lahat!

Dani and Zak, Christmas 2008

They are those that say that they don't think they'll be happy this season.

Ano ba? Are you just waiting for happiness to fall on your lap? Happiness is a pursuit, an objective people strive for. Gumawa ka ng paraan; there are countless ways. They need not cost anything nor take so much time. You need not solve your problems nor heal your wounds and heartaches; focus on the happy experiences, remember the things you are grateful for, and/or plan to do things that will make you or others happy. Sobrang dami nu'n.

Magdi-December pa lang, sinabi ko na sa sarili kong gagawin kong masaya ang Paskong parating. At ginagawa ko ang lahat para magtagumpay ako. Hanggang ngayon. There were many setbacks: I got sick; my funds were not as much as I expected they would be; I missed several things, etc.

But what the heck, I knew I had to make myself beaming with pride when people express their gratitude to me; I knew I had to find ways to allow me to greet people "Merry Christmas" in a way that I am overflowing with merriment myself. MY HAPPINESS IS MY BUSINESS. I knew I had to be happy this season no matter what it would take, and in spite of obstacles. At nangyayari naman. Hindi mahirap. Sa katunayan, masarap!
Lagi kong sinasabi sa mga estudyante ko: "Kapag pumunta ka sa party at hindi ka sumaya, kasalanan mo." Kahit nga 'yung "It takes two to tango.", hindi ko na masyadong pinaniniwalaan. Dahil hindi naman laging "Ballroom" ang Buhay. Minsan "videoke-singing", "breakdancing" o "krumping" din ito. Madalas, solo o ikaw lang talaga ang kailangan para may mangyari.

So please be happy this season. I am not only wishing you; I am requesting you to be so. Matanda ka na. Huwag ka nang magsabit ng mga medyas na baka wala namang maglagay ng laman. Ikaw na ang maglagay ng laman sa medyas ng iba, kahit ng sa iilan lang. 'Yun naman talaga ang nakakapa-"Ho-ho-ho!" ngayong Pasko.

Huwag Mong Sayangin ang Buhay Mo!

Lagi kong sinasabi, "Kapag hindi ka naubos, kulang!" at "Dapat laging parang wala nang bukas!".

At noong bata-bata pa ako, tinatanong ako, "Ron, bakit ba para kang nagmamadali parati?"; sinasagot ko ng, "Kasi, pakiramdam ko, mamamatay na ako."

Hindi naman ako masyadong takot mamatay. Ang natatakot ako, mamatay dahil nasagasaan ako ng bisikleta, o nadulas ako dahil sa balat ng saging at nabagok ang ulo ko, o nagsesepilyo ako at natusok ko ang ngala-ngala ko't nabutas ito't umagos ang dugo ko hanggang masaid ako't mamatay.

Gusto ko, parang si Bro. Richie Fernando 'pag namatay, o si Evelio Javier, o si Jose Rizal, o si Mother Teresa.

'Yun bang ubus na ubos, laspag na laspag, parang "The Giving Tree" na hanggang sa huling himaymay, may naidulot na pakinabang sa iba.

Sa iba.

Kung tutuusin, wala naman talagang silbi sa sarili ng taong nagdurusa ang pagdurusa niya. Wala rin talagang tuwirang silbi sa sarili ng taong namamatay ang kamatayan niya. 'Yung iba, kinukonswelo na lang ang sarili nila sa pagsabing, "Itong pagdurusang ito, magdudulot sa akin ng ginhawa kalaunan." Hindi 'yun pagdurusa, kung gayon; pag-akyat lang 'yun. Ang tinutukoy kong pagdurusa ay 'yung basta pagdurusa lang tulad ng sakit ng ngipin o rayuma o panghihina ng katawan na kakambal na halos ng pagtanda.

Gayundin ang kamatayan: "Itong kamatayang ito, magdudulot sa akin ng ... ummm..." , wala akong maisip. Walang silbi sa sarili natin ang kamatayan, tulad ng pagdurusa.

Pero nariyan nang parang sumpa sa atin ang Kamatayan at Pagdurusa; hindi matatakasan o maiiwasan. Tanggapin na lang natin kahit walang silbi sa sarili natin.

O maaari namang magkasilbi, pero hindi sa sarili natin. Sa iba.

Sa huli, nagkakaroon lang ng silbi at katuturan ang Pagdurusa at Kamatayan kung sasadyain mong imaneho para umukol sa iba.

Praktikal, kung gayon, ang magdusa at mamatay para sa iba. Dahil dito lamang nagkakaroon ng halaga ang pagdurusa at kamatayan. Sa usaping Kamatayan at Pagdurusa, mas talo ka kung iisipin mo lang ang sarili mo. Nagsasayang ka; hindi ka praktikal.

Sana bago ka mamatay, naubos mo na ang buhay mo sa makatuturang bagay, sa mga bagay na hindi mo kasabay mamamatay.

Planuhin mo na ang buhay mo para magkaroon ng saysay ang lahat ng dusa mo't kamatayan, dahil totoong laging siguradong may dusa at kamatayan. Ang tanong: May silbi ba ang sa 'yo o wala?

Kung wala, naku! 'Yun na nga ang katatakutang pagdurusa. 'Yun ang katatakutang kamatayan.

Narito ang isang dasal na binuo ko matapos kong maisip ito:

Mahal kong Panginoon,
Natatakot akong mamatay bago ako mamatay sa aking buhay.
Natatakot akong maubos bago ako maubos sa aking buhay.
Natatakot akong masimot bago ako masimot sa aking buhay.

Ngunit kung mangyayari nga ang aking kinatatakutan.
Itulot Mong ang aking pagkasimot, pagkaubos at kamatayan
Ay magdulot ng silbing di-masisimot-mauubos-o-mamamatay…

na mamamagitan para sa Iyo.
na dadakila sa Iyo.
na (kahit bahagya lamang ay maging) tulad ng sa Iyo.

Siya nawa.

Pasensiya na, gano'n talaga kasi ako, e.

I have met a lot of people who customarily commit offenses or do wrong things that hurt or damage other people, one way or another.


I also have asked them why they regularly commit such misdemeanor, in my effort to understand where they were coming from. I often have gotten the answer:

"Pasensiya na, gano'n talaga kasi ako, e."




Damn. When I get this answer again from anyone in the future, I swear I will answer him back with:

"Ulol, 'di magbago ka! Hindi ka naman bato o hayop, a.
 
TAO ka!" 

Ukol sa Pakikinig

Nang tanungin si Dr. Benilda Santos, isang makata at propesor sa Filipino sa kolehiyo, kung saan niya nakukuha ang mga paksa niya sa mga tula, narinig kong isinagot niya: "Kung titingnan mo lang ang isang bagay nang mas matagal pa at may pasensiya, dahan-dahan 'yang bubukas at mangungusap sa iyo."


Tanong:  Nagawa mo na bang tingnan nang mas matagal pa sa karaniwan ang mga bagay na lagi mo nang nakikita?


Narinig kong nasabi ni Dr. Stephen Covey, may limang antas daw ang Pakikinig o Listening.  Ang pinakamababang antas: Ignoring o Pagwawalang-bahala sa Naririnig.  Pangalawa: Pretending o Pagpapanggap Lamang na Nakikinig.  Pangatlo: Selective o Pakikinig Lamang sa Ibig Marinig. Pang-apat: Attentive o Pakikinig sa Lahat ng Sinasabi ng Nagsasalita.  At ang pinakamataas: Empathic o Pakikinig sa Lahat Pati Na sa Hindi Sinasabi ng Nagsasalita.


Tanong:  Kailan ka huling nakinig nang Attentive o Empathic?


Sa pelikulang Dead Poets Society, narinig kong binanggit ni Mr. Keating ang "Carpe Diem" o "Seize the day" o "Huwag mong pakawalan ang sandali".  Sinabi rin niyang "Suck the marrow out of life." o "Simutin mo ang bulalo ng buhay."


Tanong:  Wala ka bang pinalalampas at sinasayang sa mga nakasasalamuha mong mga mumunting biyaya ng buhay?


Sa dulang Immortal Diamond, nang bigkasin ang tulang God's Grandeur ng Heswitang si Gerard Manley Hopkins, narinig ko ang linyang  "The world is charged with the grandeur of God" o "Tigib sa rangya ng Diyos ang daigdig".


Tanong:  Napapansin mo ba ang rangya ng Diyos sa daigdig?


Sunggaban mo sana ang mga araw mo at huwag pakawalan.  Tumingin ka sanang mabuti, at nang may pasensiya, upang bumukas ang mga bagay sa iyo at mangusap.   Makinig ka sana nang hindi nagwawalang-bahala, hindi nagpapanggap, hindi namimili lang ng gustong pakinggan, kundi makinig nang masidhing-masidhi upang masagap mo lahat ng sasabihin at pati na rin ang mga hindi sasabihin.   


Marami sa mga pinahahalagahan kong paninindigan ngayon ay mga nabanggit lamang ng mga taong pinakinggan ko.  At madalas, binanggit nila ito hindi bilang paksa kundi bilang isang munting hirit lang. Kagaya ng mga napakinggan kong hirit nina Dr. Benilda Santos, Dr. Stephen Covey, Mr. Keating at Gerard Manley Hopkins.  Mabuti na lamang at nakikinig ako noong mga sandaling iyon.


Maraming nagsasabing ibig nilang sumabay sa bayan ngunit wala namang ginagawang pagpapalawak o pagpapalalim ng sarili.  Kung gusto mo talagang sumabay sa bayan, mahihiya kang walang gawin upang paunlarin ang iyong sarili. Gugustuhin mong tumingin at makinig.  At tumingin at makinig nang mabuti.  


Dahil sa anumang sandali, maaaring masagap mo ang magiging pinakamahalagang paninindigan mo sa buhay -- mula sa anuman at kaninuman, mula sa mga sasabihin, mula sa mga mumunting hirit, mula sa mga mensaheng hindi binibigkas.  Kaya mahalin mo sana ang sarili mo at MAKINIG KA.


Gaya nga ng sinasabi sa isang awit-pangmisa noong bata pa ako, na matagal ko nang kinakanta ngunit kailan ko lang totoong pinakinggang mabuti, "Minsan lamang ako daraan sa landas na ito.  Kaya't anuman ang mabuting maaaring gawin ko, nawa'y huwag kong ipagpaliban."


Namamaos at nauubos din ang mga taong laging bumibigkas.  Ngunit ang mga taong laging nakikinig, hindi kailanman nasasaid.


- inihanda ni Ronan B. Capinding

One of the right(-est) choices I have made in my life!

Bilang guro sa Ateneo High School, madalas akong tanungin ng mga mag-aaral kung ano ang magandang kuning kurso sa kolehiyo. Ang sumusunod ay hindi nagmula sa iisang pag-uusap lamang o sa iisang bata lamang, kundi isang pag-aayos sa iisang kabuuan ng maraming engkuwentro at pakikipag-usap ko.

Ako: Sigurado ka bang ako ang gusto mong tanungin niyan?


Bata: Oo naman. Bakit ba, ser?


Ako: Kasi, baka may gusto ka nang kuning kurso. Baka bigyan lang kita ng problema 'pag sinagot kita.


Bata: Malay mo, ser, pareho pala tayo.


Ako: Malamang hindi. Ano ba ang gusto mong pag-aralan?


Bata: Alam mo, ser. Wala pa talaga.


Ako: Kumuha ka ng Philosophy, o ng Literature, o ng Fine Arts, o ng kahit na ano sa Humanities.


Bata: Ano ba ang magiging trabaho ng mga gano'n ang kurso?


Ako: Aba, kahit ano?


Bata: Titser?


Ako: Kung 'yun ba ang gusto mo, e.


Bata: Kayo ba, ser, ano ang kurso ninyo sa kolehiyo?


Ako: Philosophy.


Bata: Kaya pala kayo nagtitser.


Ako: Sandali lang. Nagtuturo ako dahil gusto kong magturo. Hindi dahil ito lang ang puwede kong maging trabaho. Isa pa, hindi sisiw ang magturo. Saan ka nakakita ng trabahong pinagsama-sama na ang kakayahan sa Pagharap sa Madla, Pagtatanghal, Pagdisenyo ng Plano, Pagpapatupad ng Plano, Pagtimbang sa Isinagawa, Pamumuno ng isang Grupo, Pagsasaalang-alang sa mga Pagkanatatangi ng Bawat Isa, Pagpapadali ng mga Mahihirap, Pagpapalalim ng mga Tila Mababaw, Pag-arte, Pagsulat, Pagbigkas, Pag-iisip nang Mabilisan, Pag-iisip Kasabay ng Isinasagawang Iba pa? Magaling lang ang nagtuturo. At kahit sinong manggaling sa Pagtuturo, pinag-aagawang makuha ng iba pang kumpanya.


Bata: Pero ano ba talaga ang dapat maging trabaho ng nag-philosophy? Philosopher?


Ako: Iyan ang hirap sa mga mag-aaral ngayon. Gusto nilang mag-aral ng pampataba ng bulsa, hindi pampataba ng isip. Hindi nila makita na nagagasta at nauubos ang laman ng bulsa; pero hindi kailanman nababawasan ang laman ng isip. Gusto nilang maging marunong-sa-kuwan, hindi ang maging Marunong. Gusto nilang maghanapbuhay, hindi ang mabuhay. Gusto nilang abutin ang tagumpay na iisang sandali lamang, at hindi ang matuwa sa mas mahabang karanasan ng paglalakbay. Nag-aral ako ng Philosophy dahil 'yun ang gusto kong pag-aralan, 'yun ang gusto kong basahin kapag wala akong magawa o kahit hindi ako mamarkahan. Tinatanong mo ako kung ano ang maaaring maging trabaho ng isang nag-philosophy? Hindi ko sigurado kung ano talaga. Pero sigurado akong lagi siyang masaya kahit wala siyang ginagawa.


Bata: Bakit siya masaya?


Ako: Dahil sa pagsikat ng araw, sa pagsinag ng buwan, dahil sa mga naglalarong bata sa liwasan, dahil sa mga taong tumatawid sa lansangan, sa mga binatang nagdudumi ng mga dingding, sa kahusayan ng pamahalaan, sa kapalpakan ng pamahalaan, sa pagkamoderno ng kasalukuyan, sa pagkamakaluma ng nakaraan, sa kahit anong uri ng tugtugin, sa katalinuhan ng mga matatanda, sa katalinuhan ng mga bata, sa katalinuhan ng mga hindi itinuturing na matalino. Kahit anong puwedeng tingnan o isipin, may kiliting dulot sa kanya. Kahit na anong bagay na manipis, kaya niyang pag-usapan nang makapal. Kahit na anong gulo, may mahahanap siyang kaayusan. Kahit na anong dilim, may mababanaagan siyang liwanag.


Bata: Anong kaibahan ng Humanities sa Math?


Ako: Mas tumutuon ang Humanities sa binibilang, hindi sa bilang.


Bata: Anong kaibahan sa Science?


Ako: Mas natutuwa ang Humanities sa kahiwagaan, hindi sa kalinawan.


Bata: Anong kaibahan nito sa Social Sciences?


Ako: Hindi sinisikap ilagay ng Humanities ang dagat sa tasa, lumalangoy siya rito, nagpapakalunod, nagpapapulikat.


Bata: ….


Ako: Bakit? Natameme ka?


Bata: Pasensiya na, ser. An'labo, e.


Ako: Precisely! Pasensiya ka na rin. Humanities kasi ako, e.


Bata: Hindi ka yayaman, ser.


Ako: May kayamanan ang kalabuan. May kayamanan sa kalabuan.


Bata: ????


from the short film, "Amen"

Kung Ikaw ang Diyos, Iligtas Mo nga ang Sarili Mo sa Krus!

Iniisip ko lang: It is necessary to believe that the sun rises in the East and sets in the West, that water evaporates and eventually falls again onto the earth as rain, that the digestive system flows from this organ to this organ, that acceleration of a falling body increases as it gets closer and closer to the earth, etc. etc. ---- because they are and can be proven.

But this is not the case with Faith. In faith, a lot of things are not and cannot be proven. And people have been searching for signs and proofs to help them believe God as indubitably and necessarily as they do in those proven by Science. These people succeed to a certain extent, but fail to fully capture that which will shut up the agnostics and atheists.

It did not help that God, or Jesus of Human history, was so mysterious. It did not help that He did not perform miracles in front of those who doubted Him. It did not help that He stayed attached to the cross in His miserable condition at that very appropriate time to prove His Almighty-God-hood. It did not help that His resurrection and ascension were made known, at that time, to only those who loved Him.
  
Kakainis! All we have now are reports of His friends. And their reports are too figurative and not scientific. How can believers use them to convince non-believers? Wala! Mahirap! Futile.

And so we're left with the claim that believing in God is a personal matter. It will take the person himself to decide that "Yes, i will believe God." Believing, or Faith, then becomes a decision and choice that one person has to make for himself deliberately. And, of course, logical people find this motivation so lame.
  
Sayang. Kung iniahon lang ni Hesus ang sarili Niya sa krus noong hinamon Siya ng mga hindi naniniwalang Siya nga ang Diyos, e 'di wala sanang problema. Believing in Him would have been as necessary as believing in the rising and setting of the sun, the water cycle, the digestive system or the laws of physics.
  
Pero ang nangyari, parang nagpakasutil ang Diyos sa mga nagdududa at parang sinasabi Niyang, "Tse, bakit Ko kayo bibigyan ng maginhawang paraan para maniwala sa Akin? Magsikap kayo. Paghirapan niyo. Kailangang piliin ninyong maniwala. Kailangang tiisin niyong matawag na 'tanga' ng mga matatalino, para sa Akin. Kung talagang mahal niyo Ako, kailangang sa inyo rin manggaling ang pananalig sa Akin; hindi sa Akin lang."

Maybe God does not operate on logic and intellect. Or maybe He does, but only to a certain extent, because His reality is beyond what intellect can conceive, and He chooses to not submit Himself to human standards only. Maybe He wants the "faithful" to operate beyond the criteria of the intellect, and (like Him) use instead a seemingly stupid and masochistic criterion, which is Love.

It is not Love when it is already necessary to do so. The surrender we do in believing the things proven by science is convenient. Love is sacrificing and self-mortifying; it is the giving-up of one's own comfort zone and areas of control.

We've been wanting for God to operate within our familiar laws of logic, but that is very selfish on our part. He has His own omniscient and transcendent criteria which He wants us to embrace, too. Ang yabang naman natin. He already became Man and suffered. Ano pa ba ang kailangan natin? It takes two to tango. It's our turn now, after He got to where we were, to get to where He is . And it is a zone that is beyond Logic. It is a zone of Love.

The word "Love" has been so abused. We usually say we love a person because we admire him, or because he satisfies our need for delight and pleasure. But true love requires us to lose ourselves -- it is not an investment waiting for returns. Medyo hinihingi ng Love na magpalugi ka, magpauto ka, magpakatanga ka, magpakamasokista ka.

I think it was St. Anselm who said (somehow): "I thought before that I should know You first before I can call You; but I understand now that what works is I call You first before I can know You." He believed that human understanding is not the starting point; faith is. This discussion also reminds me of St. Augustine who said (somehow): "In understanding God, we should remember that He is as immense as the sea and we are just but a cup trying to contain Him."

And we'll never ever succeed in trying to contain God in our cup-ness. What we need to do is plunge and swim into this sea, be surrounded by it, surrender to it, drown in it.

I am not trying to promote blind faith. Faith should still try to exhaust everything that can be understood about God's mystery (kudos to those who don't stop searching for God even if they already understand that this pursuit is insatiable). But upon reaching -- and one must always try to reach this -- the finish line of Understanding (a human area), one must proceed beyond it and resort to Loving (a divine area).
 
Somehow, our Filipino word for Faith is better in evoking what it's all about: PANANAMPALATAYA. Faith is based on a little personal experience, a taste of God (Pananam). And hopefully this "pananam" will enable him to take the plunge into this beyond-human arena, surrendering his familiar criteria and risking his comforts and himself (Palataya). Faith is a little knowledge, and a lot of love. Pananam-palataya.

And so for those who have made up their minds about the "illogicity" of God's reality, and will never be convinced until God does something fantastic publicly (like save himself from being nailed to the cross in front of many witnesses) to satisfy their puny intellects, I say:

"Aba, ang yabang mo naman. Ano ka lang ba't akala mo kung sino ka na?" =))

Maligayang ika-60ng Taon ng Pagtuturo, Mahal Naming G. Onofre Pagsanghan!

AWIT SerPAGSI
  


Ang AWIT (na pinasikat ni Francisco Balagtas) ay isang porma ng tula kung saan may 12 na pantig bawat taludtod, apat na taludtod kada saknong, at may palatugmaang AAAA. Ngunit ang dagdag na hamon sa pormang AWIT ay ang SESURA (caesura) kung saan ang ikaanim na pantig ng bawat taludtod ay kailangang katapusan ng isang salita (hindi simula o gitna), at hindi katugma ng ika-12 na pantig ng taludtod na 'yun.
                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                              
Sa kanya sumibol ang kay raming pantas!                                              
                                                                                             
  
Espesyal tuwina ‘pag siya’ng humawak!
                                                                                                                    

Ramdam mo ang pusok, namnam mo ang sarap –
                                                                                                                              

Pabigkas, paawit, pasulat, paganap!
                                                                                                                                      

Ano pa’t kay saya naming nakaranas!
                                                                                                                 

Gurong maka-Hesus, maka-Pilipinas!
                                                                                                          

Salamat sa Diyos at ‘sinugong sukat
                                                                                                       

Itong lingkod Niyang hindi nga kukupas!

Payo sa mga Pare Ko

As requested by some students/contacts/friends after reading my blog entry (at robocap73.multiply.com): Payo sa mga Kapatid Kong Babae.

They are requesting me to also give an advice (for guys, this time) about anything within the relationship arena. I was thinking of something to post until I realized I have already posted something of this nature somewhere.

This is a comment I contributed to Mr. Jon Bada's multiply blog post which contained the following:

What does a guy have to do to win a girl's heart?
There's this old friend of mine, asking for advice. For the girls, what does a guy have to do to win you over? Well, not to become a girlfriend already, but just to get your attention. :> For the guys in a relationship, what's your secret? :>

Answers will be very much appreciated... Thanks!
DISCLAIMER: This is for a friend, not me. :)


***************************end of Mr. Bada's post***********************

There were many comments and I contributed a relatively lengthy one. You can visit his multiply site if you want to see the other comments; his site is exclusively for contacts, though.

If I didn't have anything new to say, I wouldn't have posted this comment. But after reading the suggestions already posted, I felt like I had to contribute in the discussion. So please don't expect that this advice is something common or easy or popular. This comment, however, was greatly appreciated, affirmed and reiterated by those participating in that discussion, and many of them were GIRLS. =))

Anyway, here's what I said:

Don't court her. Treat her as your girlfriend at once, even without her knowing it. Let her be surprised by your holding her hand, your going out of your way for her, your "presumption" that she's yours to nourish and to take care of.

If she appreciates and reciprocates, then "getting her" is just icing on the cake, a formality. If she feels awkward and uncomfortable about it (kahit baka masampal ka pa), then you have reason to explain and apologize, which I think will turn out to be a passionate and romantic conversation.

No pretense, no uncalled-for or manufactured chivalry, no waste of time. And if she rejects you eventually, at least you know that it'd really not work out, because you've been your real self all this time. That's better than pretending to be what you aren't during the courtship period.

The point is: Courtship is really not trying to get to know each other more. It is usually just waiting for the girl to respond to and share in a resolution the boy has already reached before the courting started.

NOTE: I'm answering the question: "How to get a girl", not "How to win a girl's heart". Even though the latter question sounds more romantic, I think it is less sincere. If you show a girl the true you at once, then winning her heart is actually getting her for good. If you are another character when you were trying to win her heart, then it's possible that you have her heart only until she sees the real you. =))

Believe me. Ladies want to see beyond the gentleman facade, which everyone can wear. And being a gentleman does not always mean being gentle and slow.

On Missed Opportunities and What-Ifs in Life

I'm 38 years old. Ironically, I realize, as one goes deeper and farther into life, he needs to plan his life more. He must learn to forgive himself and make all his choices work. He needs to learn to embrace the things he has no control over, and live in harmony with them. Yes, one must live life fully. And living fully one's life presupposes loving (so much) the only life he has.

Here is a slightly philosophical musing of mine (naks!), made cheesy by the Awit poetry form. Hope you like, if not get, it. =))

Patawad, Sandali

Patawad, Sandali, ‘di ka naatupag.
Saglit kang dumaan nang kay ilap-ilap.
Gustung-gusto sanang ikaw ay masunggab;
Dadalawang kamay, parehong may hawak.

Patawad, Sandali, at ‘di ko natuklas,
Hatid mong biyaya at mabuting palad.
Ako ay nalibang sa mga Masarap,
Nabinbin ng Pasan at napigil ng Dapat.

‘Wag nawang isiping ‘di kita minithi.
Umalis kang agad, ako’y namighati.
Nang ‘di mapintasan, nagsuot ng ngiti.
Pagmamalaki ang, sa pait, nagkubli.

Ngunit nagluluksa sa iyong pagpanaw
Minumulto pa rin ng palaisipang
“Paano kaya kung ikaw’y nahawakan?
Ito kayang buhay, mas naging huwaran?”

Patawad, Sandali, ako’y nanindigan
Hindi ko man tiyak ang mahahantungan.
Huwag nawa akong hamakin-tawanan
‘Pag nauwi akong palpak, kalaunan.

Patawad, Sandali, at bilang pagpugay,
Pagsisikapan kong hindi ka magdamdam.
Pagyayamanin ko ang Di-binitawan
Nang mabutihin mong kita’y... pinawalan.

Afford some risks, my friends. Don't play it safe all the time!

Noong bata ako, usung-uso ang lobong de-taling kapag nabitawan, lumilipad
kaya't kailangang itali sa pulsuhan o sa kutsara para hindi masayang.


Kada Linggo matapos magsimba, may bago akong lobong de-tali
dahil naglipana sa labas ng simbahan ang mga nagtitinda nito.


Ngunit hindi na gaanong uso ngayon ang lobong de-tali.
Napalitan na ng lobong de-tingting o de-patpat.


Hindi raw kasi ligtas sa kalusugan at kalikasan ang mga lobong de-taling lumilipad.
Ang kemikal na nakapagpapalipad dito, maaari raw makasama sa lalanghap.
At ang mga lobong lumilipad, kung minsan daw, napapadpad sa dagat.


Kahawig pa rin ng lobong de-patpat ang lobong de-tali: tuwid, makulay, malaki.
Ngunit ang mas kapuri-puri: ligtas ito para sa kalusugan at kalikasan.

Walang kapanga-panganib.

Kaya naman mas uso na ngayon ang mga lobong de-patpat.

Ligtas kasi, e 

Ligtas. Ligtas nga. Ligtas.

Pero hindi lumilipad.

.


GUSTO vs. KAYA (after 18 years, I will still say the same thing)

It was my first year of teaching, SY 1994-1995 and I was only 20 years old, when I was asked by Ms. Len Canilao, who was then the moderator of Hi-lites magazine, to write something for the seniors.  I didn't know why she asked me;  I was full-time teacher of juniors then.  Perhaps because I was then the youngest in the faculty and she thought I would give an alternative advice for the seniors.  I don't know.

Now, after 18 years, I chance upon this file again.  And I am not changing a bit in it as I post it now, because I would probably submit the same exact thing if asked to write with the same objective. 


Gusto Kong Sumaya! 

Kailan lamang ako naging High School student.   Ang saya ng High School. 

Tandang-tanda ko pa, 4th year ako noon, mabigat na tanong talaga sa akin ang pipiliing kurso at papasukang unibersidad.  Ang palagay ko, tulad ng karamihan sa amin, kapag nagkamali ako sa desisyon ko, masisira ang buong kinabukasan ko.  Siguro dahil sa takot kong akuin ang pagkakamali, kung sinu-sino ang tinanong ko.  Kung anu-ano rin ang nakuha kong sagot: doktor, abugado, businessmanphysical therapist, nars, computer programmer, seminarista at marami pang ni hindi ko na maalala ngayon.

Lahat sila, iisa lang ang katwiran: "Kaya mo naman, e."


Pero ang pinakatumawag-sa-aking-pansing sagot ay hindi talagang sagot sa tanong ko.  Kung iisipin, lalo nga lang yata akong pinahirapan.  Galing ito sa kaibigan kong pari:

"Kung gusto mo, kayanin mo. Hindi 'yung kaya mo, gugustuhin mo."

Maganda, hindi ba?  Pero nakakatakot.  Bigla, responsibilidad ko pala ang lahat.   Ayaw ko yata nang gano'n.  Para kasing sarili ko lang ang masisisi sa huli.

Pero kahit naman makinig ako sa iba, sarili ko pa rin ang malilitis kapag nagkataon.  Siguro nga nandiyan pa rin sila para pagaanin ang lahat.  Pero malungkot  pa rin ang lamay kahit may nakikiramay, hindi ba?  Ayaw kong lumungkot.  Gusto kong sumaya.  Alam kong sa huli, ako lang talaga ang mananagot.

May nagkuwento sa akin tungkol sa isang kinaiinggitang padre-de-pamilya.  Lima ang kotse.  Tapos sa magagarang paaralan ang lahat ng anak.  Kabi-kabila ang malalaking negosyo.  Pero bigla siyang nawala isang araw at walang may-alam kung saan siya hahanapin.  Lumipas ang mga tatlong buwan, nakita rin siya sa isang bar.  Pinapalakpakan ng mga nag-iinuman.  Nakaupo sa isang bangko sa isang maliit na entablado. May kabig na gitara.  At ginagantihan ng ngiti ang lahat ng taong sumisigaw ng "More!  More!".  Lampas-50 na nga pala siya.

Ayaw ko yatang umabot muna ng singkuwenta bago ko magawa ang gusto ko.  Masyadong matagal ang kailangang tiisin nang malungkot.  Inisip kong mabuti kung ano talaga ang gusto ko, kung ano talaga ang magpapasaya sa akin.   4th year high school pa lang ako noon.  Mali.  4th year high school  NA ako noon.  Kaya ko nang malaman kung ano ang gusto ko.

Sinusunod ko pa rin hanggang ngayon ang payo ng kaibigan kong pari.  Kahit college graduate na ako.  Kahit ngayong guro na ako.

May mga nagsasabing tanga ako.  Bakit daw ako nagtitser.  Marami pa raw akong mas nakakabilib na kayang gawin.  Sinayang ko raw ang lahat.

Okey lang.  Tanga na kung tanga.  Masaya naman.  Ang kinaiba ko lang sa ibang tanga, ginusto kong maging tanga.  Marami riyang umiiyak, kahit mukhang matagumpay.  Pero ako, nagdiriwang ako sa katangahan ko.  Para sa akin, kahit mahirap, ang sarap-sarap maging titser!

Siguro nga, marami pa akong kayang gawin.  Na hindi ko naman gusto.  At dadayain ko lang ang sarili ko kung pipilitin kong gustuhin.  Basta sigurado ako, pagdating ko ng 50, marami akong masasayang alaalang lilingunin.

Pinakamasaya raw ang buhay sa high school.  Totoo.  Pero maniwala kayo sa akin, puwedeng-puwedeng maging kasinsaya ang kahit pagkatapos no'n.


- RoBoCap, August 1994

It takes “-Man” to make Spider-Man a superhero. Without Peter Parker, he’s just a spider.


Pasensiya na; tao lang ako.” 
   
Am’baba naman ng tingin mo sa Tao.  Para siyang batong walang isip at pagpapasya, parang hayop na hindi makapangingibaw sa mga udyok.  
When a philandering husband defends himself, "Tutuka at tutuka ang manok kapag may palay kang inialok."  He must be corrected , "Ulul!  Manok ka ba?!!"


Man is not a mere animal; he’s a “rational” one (Darwin).  He’s not a mere body; he’s an “embodied spirit” (Aquinas).  He’s not just an existence; he’s also self-aware (de Chardin).  He’s not only being; he is “being-in-the-world” (Heidegger).


So please stop using “Pasensiya na; tao lang ako.”  That’ll be a serious demolition of what Man truly is and what Man is capable of.  The more appropriate mantra is “Ibahin mo ako; tao ako!”.   

  
It takes “-Man” to make Spider-Man a superhero.  Without Peter Parker, he’s just a spider.


Man has great power.  And thus his being irresponsible is inexcusable.


Ibahin mo ako; tao ako!