
Ang AWIT (na pinasikat ni Francisco Balagtas) ay isang porma ng tula kung saan may 12 na pantig bawat taludtod, apat na taludtod kada saknong, at may palatugmaang AAAA. Ngunit ang dagdag na hamon sa pormang AWIT ay ang SESURA (caesura) kung saan ang ikaanim na pantig ng bawat taludtod ay kailangang katapusan ng isang salita (hindi simula o gitna), at hindi katugma ng ika-12 na pantig ng taludtod na 'yun.
Sa kanya sumibol ang kay raming pantas!
Espesyal tuwina ‘pag siya’ng humawak!
Ramdam mo ang pusok, namnam mo ang sarap –
Pabigkas, paawit, pasulat, paganap!
Ano pa’t kay saya naming nakaranas!
Gurong maka-Hesus, maka-Pilipinas!
Salamat sa Diyos at ‘sinugong sukat
Itong lingkod Niyang hindi nga kukupas!
No comments:
Post a Comment